#BuwanNgMgaAkdangPinoy

Agosto na naman and dahil buwan ng wika ito, what better time to promote and encourage Pinoy readers to engage in a readathon of Pinoy-authored books! (Ironic ba, ang lakas maka-Taglish?)

Ginawa ko na ito three years ago. Matapos ito, local books have peppered my reading progress. All-year round naman dapat ang appreciation na ito although aminin din natin, with the barrage of reading materials from abroad, minsan nababackseat mo sila.

Feeling ko I did pretty well sa unang Pinoy readathon ko. Siguro mas magandang approach ang looking from the inside, palabas. Kumbaga, priority talaga dapat ang mula dito, ang nalikha at naisulat dito, bago tumalon sa iba.

Mula sa isa sa hinahangaan kong Pinoy na manunulat na si Edgar Samar, narito ang mga exciting na pwedeng gawin upang umahok sa kampanyang ito sa #BuwanNgMgaAkdangPinoy:

20160731_144318000_iOS20160731_144332000_iOS

Halina at makilahok! Kung hindi mo bet sa ngayon ang akdang Pinoy, ito ang magandang panahon para lawakan ang iyong horizon at i-explore ang Pinoy literature. Magugulat ka sa makikita mo. Isang buwan ito, so kitakits sa kanya-kanyang cyberspace updates!