A different kind of road rage.

For the past five years, madami na akong naipong anecdotes of my encounters with taxi drivers.  I have shared a few of them before.  See, it seems mahilig ako mabiktima ng mga manongs na yun.  One of my friends said yung itsura ko kasi either madaling kausapin or mukhang madaling maisahan.  I don’t know how any of them figured in my experiences with the drivers.

Some of these encounters were outstanding.  May parang baliw na nagpo-prophesize.  Meron naman malakas mang-inis.  Minsan me war-freak.  Yung iba parang gago lang.  Merong minsan gusto mo mag-tumbling sa pinagsasabi.  May nagpainit ng ulo ko na ngayon di ko na matandaan kung bakit (though malakas kutob ko it had something to do with ginugulangan ako sa pamasahe!).  Yung iba, cool lang.

Lately, I’ve been having a deluge of these manong encounters.  Eto may kuwento ako pero let me remind you, I am not a bit proud of what I did.  Kaso, pasensya na, I am also not sorry.  Kay God lang pala ako nag-sorry.  Pati nanay ko nagulat sa akin kasi nawitness nya kung paano ako mag-unleash ng galit parang si Hulk.

Matandang payat na kalbong driver kasi yun isang maaliwalas na Linggo ng umaga.  Papunta sana kami sa Tabora para mamili ng gagamitin sa halloween party namin.  Di naman mainit ulo ko to start with, in fact, ang saya ko pa pagsakay kasi kinukuwento ko sa nanay ko na magka-grupo kami nung crush ko sa The Phantom of the Opera cheverlu namin sa office.  Anyway, nag-suggest lang naman ako na from San Andres, sa Taft na dumaan si manong, kasi off-peak hour yun, meaning nakahambalang ang mga nakapangingilabot na trailer trucks sa Osmena Highway.  Dun pa lang nagpakita na ng inis si manong.  “Ah, wag na hong makialam sa dadaanan ha.  Driver ako ,alam ko po papunta dun.”  Ooookay.   Hinayaan na lang namin kasi Linggo naman, walang traffic.  Aba, ilang sandali, papunta na ng Roxas Boulevard si manong.  So nagtanong lang si mother kung anong daan ang ite-take nya…kasi pinakamadali yung lalabas ka ng Taft dire-diretso na sa Divisoria.   Aba, nag-hyperventilate ang manong na kalbo saka ba naman kami sinigawan,” AKALA NYO BA NILOLOKO KO KAYO? EH IDINADAAN NGA KAYO SA TAMA EH.  HIRAP SA INYO PARA KAYONG NILOLOKO.  BAGONG SALTA SIGURO KAYO DITO! 1970 PA LANG NAGMAMANEHO NA AKO SA BUONG MAYNILA!”

So kalmado pa kami nun, ineexplain namin na, hindi naman, pero baka SINCE PASAHERO KAMI, HELLO, eh pwedeng sabihin nya kung saan kami dadalhin, ‘no?  Eh kaso dumakdak pa rin.  Nabuwisit lang ako nung sinigawan nya at minura ang nanay ko na parang sya ang bumubuhay sa amin.  Tapos ako.  Eh gago pala eh, kaya ayun, sinabihan ko syang tama na sa kakasigaw.  Alam ko twice ko lang sinabi yun pero after the incident, sabi ng nanay ko, limang beses ko raw sinabi yun at pataas ng pataas ang boses ko.  Pasensya na, tao lang, what happened after that was something I will never be proud of pero minura ko sya ng bonggang bongga.  Verbal abuse tlaga…eh ganun din naman sya eh.  Sabayang pagbigkas talaga kami parang linggo ng wika!!! Feeling nya kase, matanda na sya kaya TAMA SYA SA LAHAT.  Tanga ka, wag mo ko hihiritan ng ganun.  So ayun, hininto ang taxi sa service road, bumaba na daw kami kung ayaw namin ng daan nya.  So bumaba kami.  Gusto pa bayaran ng nanay ko yung metro na itinakbo namin pero (sorry ulit), sinindak ko ang nanay ko na, “MY, BUMABA KA, WAG KANG MAGBAYAD + (SOME MORE EXPLETIVES PARA SA FOAMING IN THE MOUTH NA MANONG)!”  Sobrang gigil ko tlaga nun.  Tapos sumisigaw pa rin sya na mga ignorante raw kami sa Maynila, at parang laging niloloko.  As this was happening, yung mga onlookers na taxi drivers din nagsisimula ng mag-inch papunta sa amin.  So nagwalk out na lang kami.

Ako naman pag nailabas ko na at tapos na ang moment, okay na ako.  Hindi ako matanimin.  Hahaha.  Pero alam ko, rudeness to the extreme level talaga on my part yun.  Pero wala kasi kayo dun eh.  Basta iba! Pero alam nyo, ngayon, naisip ko, baka may problema sya kaya ganun.  Narealize ko paulit-ulit sya dun sa “ignorante” at “parang niloloko”.  So baka may prior bad experiences sya na parang ganun.  He flared up without warning, as in! Hindi naman sya mukhang bangag, to be fair.  Sya lang yung tipong “know-it-all, street smart kuno” na medyo may edad na.  Kaso wala naman sya license na magganun di ba?  Sumisigaw talaga na akala mo pinagbibintangan namin sya ng homicide!!!

Atsaka as passengers, makinig ka pag me instructions sa yo kasi babayaran ka naman eh! Ngayon, kung medyo masikip ang daan na gusto ni pasahero at gusto mo magsuggest, e di sabihin mo ng maayos.  Eh alam nyo ba ang daan na alam ng since 1970 na driver na ito??? Yung babaybayin ang Roxas Boulevard hanggang makarating dun sa may papuntang pier na ang labas dun sa may Citibank Binondo…entrance to Divisoria na nga naman!  Holy guacamole, ang layo nun kaya!!! Alam nyo bang nung binaba nya kami, nagtaxi kami ulit at sinunod ang route na GUSTO KO, ayun, 5 minutes nasa Divisoria kami kasi since Linggo,  walang traffic sa may Manila City Hall!!!   Hay, ewan ko ba kung ano meron sa driver na yun!

Ang isa lang sa di ko nagawa ay kunin ang plate number at body number ng taxi nya.  Kaso even if I did that, isumbong ko man sya sa LTFRB, parang wala naman atang batas to punish rudeness or verbal abuse to passengers…meron ba??? Tsaka what if di naman sya mareprimand ng taxi operator nya kasi kanya pala yung taxi? So di bale na lang din.

Kaya every morning, napapatingin ako sa drivers na humihinto pag pumapara ako ng taxi.  Hindi ako natatakot sa kanya, ayoko na lang sya maging driver ulit, dahil papasok sa office, I really do have specific instructions kung saan dadaan at kung saan ako ida-drop off eh sa ugali nang yun, di ko tlaga sya uurungan ulit.  Sorry.

Ang biggest lesson na nakuha ko dito??? Mag-jeep na lang papuntang Divisoria.

Tsaka sige na nga, wag pumatol sa matanda, wag magmumura, at kung sino daw ang naaapi ay syang pagpapalain.

Okay, I got over a not-so sensible and painfully long post.  Next time, I will aim for something coherent and good-natured.  I just had to tell this story.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s