Kaladkarin Mo Ako Sa Impyerno

Sa wakas, napanood ko na rin ang Drag Me To Hell.  Sanay ako manood ng sine mag-isa pero pag horror, marunong din naman akong magbaba ng pride para humanap ng kasama.  E sino pa ba ang pinakamadaling yayain kundi ang Portia to my Ellen (or vice versa), si LC.  Ginamit ko ang “pag nag-umpisa na ang MA classes mo di na tayo madalas makakalabas” card kaya ayun, di sya nag-dalawang isip.

BABALA! Wag basahin kung nakakaintindi ka ng Tagalog (well, Taglish) at gusto mong maging spoiler-free sa napakagandang pelikulang ito. Ahahahaha…

Ganito kasi yun. Noong 1969 sa Pasadena, may mag-asawang pumunta sa isang manggagamot slash exorcist…ewan kung accurate yun (inaayos ko pa kasi yung popcorn, hotdog sandwich at lemonade ko). Yung anak daw nila may naririnig na boses. Pilit silang pinaamin kung may ginawa yung bata until ayun, ito palang pilyong bata ay kinuha yung bling bling ng isang gypsy. Binabalik naman daw nila pero ayaw na tanggapin. Pumasok sila sa loob ng bahay at nung tinatangkang ayusin na ang gusot na ito, ayun umatake na ang demonyo, hahaha…basta nahulog yung bata sa first floor tapos tumayong halos unscathed kahit lumagpak sya sa sahig na marmol (marami pang ganito sa pelikula, yung hindi sila haggard kahit halos nagka-delubyo na).  Before the parents and the shaman can do anything else, nilamon na ng sahig yung bata with matching apoy apoy pa. Fade to the nakakagulat graphic na pinuno yung buong screen (so much for a huge font huh?) ng title ng pelikula.

Present day, nasa daan then nasa nasa loob na ng isang loan office ang eksena kung nasaan andun at nagtatrabaho na yung bata sa Mystic River.  Gusto nya ma-fill yung Assistant Manager position pero kalaban nya yung epal na loan officer din na si Stu na kamukha ni Kuya Kim. Lunch time, pinakilala din ang boyfriend nyang si Mac guy.  Psych prof sya na mahilig mangulekta ng old coins; in fact, binigyan sya ni Sarah Paulson-look-a-like (yung bida, or B) ng isang lumang coin na napulot nya sa office, na nilagay naman ni Mac guy sa isang puting envelope (may relevance ito later).  Bago sya umalis, tumawag yung nanay ni Mac guy at engot na naka-speaker phone pa sila mag-usap kaya narinig ni B na ayaw sa kanya kasi sya ay simpleng farm town girl lang (parang yung sa Facebook).

Back at the office, nagpahaging ang boss na hindi sya kasi masyadong assertive tulad ni Kuya Kim kaya dehado sya sa laban for Asst. Manager.  Enter the creepy lola (CL) na nag-aask ng loan extension kasi kukunin na ng bank ang kanyang digs.  Hindi na pwede kasi nakadalawang extension na pala siya, OA na kung may pangatlo pa.  B saw this as an opportunity to assert herself in declining the loan, kasi ang tunay na sya eh very compassionate.  Bago tuluyang umalis, nag-last ditch effort si CL at lumuhod sa harap ni B; a minor chaos ensued at napahiya si CL kasi nakatingin na lahat ng tao at on standby na din yung guards.  Sabi nya, “I begged yet you shamed me!”   Hala, nagtransform na sya into a vindictive lola (VL)!

(to be continued)

7 thoughts on “Kaladkarin Mo Ako Sa Impyerno

  1. Omg I may want to totally watch this then! Hehe I’m not braver than you! I just hide it better but I’m really screaming inside.

  2. hhmmm… i may want to see this, but with someone too of course. horror flicks scare the crap outta me! it sounds promising… is it worth it??

    • The film was just nakakagulat but it’s not that creepy. Ako pa…e di ba you’re way braver than me so kaya mo ito. Mahilig lang tlaga ako sa mga B-movies kaya guilty pleasure ko mga ganyan. Hihihi =) I enjoyed it ha! May kuwento naman sya.

  3. favor
    yummy friend, paki basa latest post ko
    paki check for grammatical errors
    pakiramdam ko madami, eh
    sabihin mo sakin mali ko bukas
    hwag i-broadcast
    hehe
    thanks
    i posted it without editing, eh
    yes!
    ngayon tuloy todo duda ako
    hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s