Nakakapagod pero masaya.

Salamat naman at natapos na ako doon sa paggamit ng linya sa kantang Both Sides Now na title ng entries ko.  Nga pala, hindi ko mapapangatawanan na Filipino dire-diretso yung posts ko.  Baka para na akong si Cristy Fermin, minus the libel cases.  Isang beses ko pa lang naman siya ginaya at matagal na yun, nakakatawa na nga lang basahin.

Tamad ako sa maraming bagay pero sa mga pagkakataong gumagalaw ako, sinisigurado kong masaya ako sa dulo. Minsan hindi ganoon kadali pero weh, buong puso ko na wine-welcome ang anumang uri ng physical at emotional exercises.  Hindi sya nakakapayat pero sulit na rin.

Nanood kami ng FLOW kahapon, kasama ko ang aking barkada sa pagiging new cast ng Mean Girls. Anak ng bakang pahirap na ginawa namin sa sarili namin para umabot sa FLOW na yan. Handa na kaming umikot-ikot na lang sa PAGCOR complex dahil halos alas nuwebe na kami dumating para sa show na pang-alas otso.  Akalain nyo, pagdating namin doon, hindi pa pala nagsisimula dahil daw sa panahon. Kaya umikot-ikot muna kami sa loob ng complex dahil nakakairita tumambay sa loob ng theater na yung mga batang manonood eh parang mga nakawala sa kural.

Hindi ako stranger sa loob ng casino.  Dati sinasama ako ng nanay ko at ng ibang kamag-anak namin kapag gusto nilang maglustay, este, i-enjoy ang aming middle class income.  Alam nyo bang ang nanay ko eh magaling maglaro sa mga ganyan? Basta sya NEVER, as in hindi kailanman umuwi na talo, pero minsan hindi rin panalo.  Ang turo lang nya sa akin noon, kapag nabawi mo na ang initial na nilabas mo, iikot mo na lang ang buong gabi sa kung anuman ang naiwan mo after pocketing the puhunan, so to speak.  I had a chance na gamitin ang advice na yun sa casino sa Cache Creek 4 years ago pero hindi kinaya ng mortal powers ko.  Paalam, x dollars. Mabalik ako, hindi rin ako pwede pumasok noon sa loob ng sugalan kasi naman 15 pa lang ako nun kaya tambay lang ako madalas sa restaurant sa loob ng casino, sa Taal Vista, o doon sa tapat nya, sa McDo-Tagaytay habang nagbabasa ng libro ni Sidney Sheldon. Memories, kumusta naman yun?

FlowSo, ang show na FLOW. Bandang alas diyes dumating ang isang pulutong ng tao na mukhang ginawang company trip ang panonood ng show na ito.  Hinala ko mga dalawang bus siguro yun, ang dami eh.  Sila ang nagpuno ng venue.  Once nakaupo na sila, nagsimula na yung show. Dapat lang ano, sila pala ang hinintay namin, wala na silang kahit anong karapatan na mag-freshen up o mag-pre-show loitering dahil I would throw a fit kung nangyari yun. Kidding! Kasi naman, dalawang oras na-delay ang palabas, hindi na yun nakakaaliw. 

Ang concept ng FLOW ay ang pag-evolve ng dance tulad ng buhay ng tao.  Impressive yung umpisa, parang tribal dance which was a great lead-in to the birth of a person, much like the birth of dance.  Sumunod na yung different acts na nagshowcase ng iba-ibang sayaw as time progresses, juxtaposed (naks naman) to a person as s/he grows up.  May acrobatic stunts in between dances din na na-impress ako talaga.  Merong hip-hop, tap, tango, parang may flamenco pa nga. Meron giant LED screens which provided a more vivid backdrop. There was a live band at the back na nagbigay ng feeling na it’s happening in real time.  Tumakbo yung show for one hour and a half.  Sayang lang at walang pagkakataon na ipakilala, even in different groups, yung performers. 

Maganda yung show as a whole pero binaybay nya yung path ng isang Vegas club performance mga bandang kalagitnaan.  Magaling naman yung performances pero mas okay sa akin kung pure sayawan na lang kesa me mga kanta kanta pa. Nagmukha kasing finale ng GMA Supershow yung ibang numbers.  At maisingit ko lang, di ba hindi dapat nagsa-stockings ng itim tapos puti ang sandals mo? Naman, naman. 

Nung dulo na, there was too much going on; okay sya if only to show how they execute very well and very synchronized at that, pero sa sobrang dami ng nangyayari, hindi na halos napansin na nagbo-bow na pala yung sets of performers.  Maganda sana yun had they been given ample opportunities to be applauded for what they did. Kaso wala nga. Yung ibang tao pa parang di alam na you’re supposed to wait until the curtain closes saka ka aalis ng upuan mo. Nakakalungkot lang yung mga maliliit na bagay na ganun.

Sabi ng iba, mas maganda pa rin ang Wanders, a performance from almost the same group. Hindi ko pa napapanood yung Wanders so hindi ko masabi.  Magaling yung Pinoy performers na hindi na rin naman ako nagulat kasi magagaling tayo talaga.  Pero naimpress ako talaga lalo na doon sa Chinese children na nagsa-stunts.  Matagal-tagal na rin ako hindi kinabahan ng ganun habang nanonood, ahaha! Mukhang lumalayo ang readiness ko for Cirque de Soleil ah. Hmm.

performanceGustung-gusto ko nanoood ng mga ganito, lalo na yung dance performances kasi secret fantasy ko yun. Syempre hindi na sya secret ngayon! I am terrible in singing but I can dance (and I lipsync very well, lalaban ako sa mga gay impersonators any day, hahaha!).  Kahit nakakahiya maalala, a part of me is proud sa epal level ko back in grade school and high school sa mga sayaw sayaw na yan.  Nung college until now isinantabi ko sya, partly because hindi sya mahalaga lalo na kung ang focus mo dapat eh kung paano kumita and partly because wala namang pagkakataon.  Nakukuntento na lang ako ngayon sa panonood o pagpa-practice ng choreography ng All That Jazz, Cell Block Tango, You Can’t Stop The Beat pati yung mga nasa Step Up at Save The Last Dance.  For the right price motivation, call or text me, ipapakita ko yan sa inyo, hehe. Pag ako yumaman, uubusin ko ang panahon ko sa pagsali sa mga dance performances either on theater o yung traveling group.  Ultimate fantasy ko yan, mas mataas pa sa prospect na magpa-anak kay George Clooney (ng limang beses, kahit walang child support, okay lang), o ayusin ang butas ng ozone layer.

Sa ngayon, ‘yan lang muna.  Nakakapagod ang linggong ito pero masaya. Ikaw, kumusta?

4 thoughts on “Nakakapagod pero masaya.

  1. that Flow show sounds interesting. i saw something like that when i went on the carribbean cruise 5 years ago, performed by the ship’s entertainers. i loved it! where do they show flow? is it a permanent thing in PI, or do they go on worldwide tours?

    as for heroes, same here… i tried watching an episode or two, but i really couldn’t get into it…. oh well…

    • Lai!!!! I guess Flow will run for months until may interested pa manood. Hopefully they will go on tour, most of the performers are Pinoys, some are Chinese and Cubans…galing nga eh.

      it’s been a week after my comment above pero di pa ako naka-move past episode 12 ng Heroes!

  2. tagalog talaga?
    dapat mag tv marathon ka din ng encantadia
    i bought the first disc
    250 lang yata
    at dvd9 sya
    di gaya ng starcinema releases
    nyahaha

    tapos ka na sa heroes?
    no scratches?
    =P

    • nge, eto lang kaya ko, sa twitter at facebook baka malito ang aking ibang friends. hehe.

      episode 11 pa lang ako sa heroes. hindi ako kasing excited, ewan ko ba. pero tatapusin ko. at hoy, iniingatan ko yun ha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s