tapos na

Tapos na. Okay na ako. Actually ang haba na nung na-type ko, isang malalim na pagsusuri ng bagay-bagay kaso nabura ko ng di sinasadya…eh kasi sabi ko nga tama na, bakit me ganun pa di ba? Gusto ko lang naman, tipong last hurrah kasi narinig ko na yung dapat kong marinig at okay na, yun na ang pandikit that sealed this issue shut. Manonood na lang ako sa lahat ng susunod na mangyayari dahil marami pang mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng lakas at panahon.

Sa totoo lang, ang laman na ng isip ko ngayon ay (1) saan ko kaya mapapanood yung pagbabalik ni George Clooney sa ER (2) uuwi pa ba ako mamayang gabi o bukas na ng umaga kasi baka malasing ako mamayang gabi, baka kung saan ako ibaba ng bus if ever, LOL (3) itutuloy ko ba ang pag-inom ng soy milk kahit sumasakit na tuhod ko (kasi kasabay din ito ng pagkahilig ko sa tofu) (4) gugustuhin ko pa bang humabol at makipagsiksikan sa Crocs sale sa Meralco tent (5) bibili na ba ako ng House Season 4 DVDs o saka na lang (6) itutuloy ko ba yung distance learning course sa Tufts U, kasi sayang din, hindi naman araw-araw na pumapasa ka sa first screening ng ganoong larangan, at (7) manonood na ba ako ng Battlestar Galactica bukas o sa Holy Week na lang para ‘marathon’ sabi nga nila.

 Yung mga esoteric thoughts ko, hindi pa gising. Lalabas sila mamayang gabi pa.

Happy weekend!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s