drama, taglish nga lang :D

“Wag mo akong sasanayin sa mga ganito, baka hanap-hanapin ko ito.”
“E di masanay ka, wala naman akong balak itigil ito.”

Sa You Changed My Life yan, the sequel to A Very Special Love, na sige na, aaminin kong I will watch just because. Meron lang akong advance issues against Sarah Geronimo’s hair, parang yung issue ko sa buhok ni Lisa Edelstein, si Dr. Cuddy sa House. Ano bang meron kasi sa mga super bangs?

Anyway, kahit nakakakilig ang lines sa taas, gusto kong isipin na wag maniwala dahil walang ganyan sa totoong buhay. Hindi ka dapat nasasanay sa kahit anong ginagawa o binibigay ng ibang tao dahil kadalasan, wala rin yang pupuntahan sa huli. Yung mga ginagawa mo sa sarili mo, yun, doon ka lang dapat magtitiwala. Kahit anong pinapakita sa’yo ng tao, hayaan mo lang. Live by the moment. Kahit sincere naman yung ginagawa sa’yo, still, wag kang magmamaganda na habambuhay yan. Masakit lang kasi pag hinahanap mo na tas wala na.

Oo, kahit kagaya sya ni Miggy Montenegro na nangangakong wala syang balak itigil ang ginagawa nya. At kahit pa galing ang mga gestures na yun dun sa taong kaya mong sabihan pointblank na, “At this very moment, kapag iniwan ka ng lahat ng tao, ako, maiiwan ako sa tabi mo”, wag ka pa rin masasanay sa kung anong sinasabi nya. On the other hand, pwede rin palang gamitin itong argument na ito against me ano? Tipong, hindi dapat paniwalaan na kaya kong magpaiwan sa tabi ng isang tao kahit buong mundo iniwanan na sya. Oh well, Colin Powell. Ang importante at the end of the day buo ka pa rin. Na hindi nakadepende ang katuturan ng buhay mo sa iba. After all, lahat naman tayo nag-evolve lang from being one-celled organisms. Kakayanin nating bumalik doon kung kinakailangan. Just saying.

6 thoughts on “drama, taglish nga lang :D

    • ^ ay i saw the other comment first. so me ganun pala.
      anong sabi? dali, ichismis mo, hahaha!!!
      yummy friend, halata bang di na ako nabisita ng blog mo kaya di ko alam yan? sorry 🙂

  1. naks! ang tindi! pero when one’s in love, one seems to forget how to be rational. you can’t say na hindi ka masasanay. you will, pero dapat meron ka pa ring inner strength to quit him if needed… di ba??

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s