contents

A friend and I had a lengthy discussion regarding blogging styles. Napag-usapan namin specifically yung content ng blogs. Blog ko in particular.

I long abandoned the desire to be an intelligent blogger dahil more often than not, naglalaway lang ako sa inggit at insecurity pag nababasa ko yung blogs ng iba. I cannot seem to make a single post devoted to a single idea. Basically, I view this blog as a personal online diary. Kaya ang nababasa nyo dito eh most of what happened to me, minsan from the moment I woke up till I went to bed to sleep.

My friend’s point was, yung details that I spill here, for some people, that’s what make it to their journals at home. Then sa blogs nila, thought, ideas, musings sa buhay ang laman…which I said na it’s practically an expression as well. Hindi lang sya parang istorya na parang nasusubaybayan gaya ng ginagawa ko.

Ang point ko naman, baligtad kasi ako. You normally read here a rundown of things I did, saw, felt. Yung musings ko sa buhay, yung “coherent” na sinasabi ng iba, basically, yung material na nakikita ninyo sa most read blogs sa buong mundo, wala nun dito…kasi yung mga ganun ko, yun ang napupunta sa mga journals ko. Take note ha, journals.  Kung nararamdaman nyo minsan sa mga posts ko dito na galit ako, tuwang tuwa, kilig na kilig, nawawalan ng pag-asa…wala pa yan sa katiting ng sinusulat ko kina Clementine, Violet, Charlotte at Autumn (oo, may pangalan din ang mga journals ko, bakit ba?).

Ang ending ng usapan namin? Parang wala. To each his/her own. Basta ang sabi ko sa kanya, hindi ko man sadyain, a piece of me will be reflected through this blog. In almost four years of blogging, isang post pa lang ang binura ko at may sinulat naman akong dahilan kung bakit. The rest, pinangatawanan ko na, for the sole reason na yun ang pakiramdaman ko habang tinitipa ko ang mga entry na ‘yon and just because I do not feel the same now or I despise certain claims I made doesn’t make each of them any less valid.

A piece of me feels na when it’s the time of my great grandchildren already, mas valuable yung mga salitang nakasulat sa bawat pahina nung journals ko. I’m not saying na nagsisinungaling ako dito sa blog because I do not pero hindi ito ang unadulterated na pananaw ko sa bagay-bagay. Sa MBTI evaluation nga sa akin, introvert ako eh. And my introversion, in a sense, manifests in publishing only a degree of my thoughts and feelings. Hindi lahat lahat. Hindi ba nakakaloka yun, dahil minsan ang dami ko nang nasabi, kung anu-ano na ang narating ng mga pointless kong kuwento, and yet, heto ngayon, hindi pa pala yun ang kabuuan. Can you imagine kung gaano kadami ang tumatakbo sa isip ko kung lahat pala yun ibo-blog ko?

3 thoughts on “contents

  1. i hope you find some precious time to do so. yung journals ko hindi maayos pero pwede na, basta nakapag-release nang thoughts and feelings. naks! 🙂

  2. super tamad ako magsulat aside from not having the time to do so. wala rin akong journals unlike you. nakakainggit yung mga nakakapagsulat everyday tapos maayos pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s