Isang maikli lang

I’ve been a commuter for close to 13 years now. Halos lahat na ata ng commuter tales naipon ko na. When school goes on a short break in two weeks, I hope to share some of them with you. Very relatable, lalo na kung commuter ka din gaya ko.

Let me just share this one though.

Nag-tataxi ako every morning to the office dahil ayokong dumating na dugyutin sa office, okay? So awa ng Diyos, pagkatapos nung isang manlolokong driver noong bandang 2004 pa, my morning trips to the office have been breezy.

Minsan lang, naiinis ako.

May mga drivers na siga, ang hilig mang-away ng kapwa driver na nakagitgitan nila sa daan. Alert ako sa ganyan and I always tell my driver na hayaan na at wag pansinin. Pero merong war freak talaga (parang ako kung minsan, eh?). Sila yung tipong tapos na ang gitgitan, ayun at tatapat pa sa sasakyan nung isa, at makikipagtitigan. Minsan magmumura pa. Madalas sa hindi, papatulan naman sya nung isa. So ayan, magsisimula na ang ridiculous karera sa daan, na akala mo naman they got nothing to lose kung magkabanggaan sila.

Anyway, I had a brush with that scenario this morning at hindi nakuha yung taxi driver ko sa malumanay kong pakiusap na hayaan na lang at wag na patulan yung nasa CRV. Eh matigas ang ulo, gusto atang may patunayan. Anak ni damokles talaga, yung mga nakikipag-girian na ganun, galit na galit ako talaga. At sinabi ko sa mamang driver na mabuti sana kung babanggain sya o babarilin sya sa pang-a-agitate nya eh sya lang ang maagrabyado! Wag syang mandamay, pwede ba!

Well, that’s minor compared sa mga taxi drivers na napakahilig tumabi sa ga-higanteng trailer trucks na upon closer look, nakapatong lang talaga yung container vans doon sa trailers. Maryosep. Pero sa susunod na yun. Basta kapag nakasakay ako sa ganoong taxi, ang higpit ng kapit ko sa upuan. Takot ako mamatay ng ganung ka-tragic ha. As I said, next time na lang – and if you travel the busy roads of either Quirino Avenue or Osmeña highway, maiintindihan nyo ako lalo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s