mga tanong

I snagged this one from Ailene :

01: Ano ang problema mo?
Sira na naman yung earphones ni Sophie, my iPod.

02: Bakit sadyang may mga taong tanga?
Para mas makulay ang buhay.

03: Ano ang masasabi mo sa mga taong mahilig manloko?
Mamamatay ka rin!

04: Sa paanong paraan magiging masaya ang isang tulad mo?
Kapag natupad na ‘yung matagal na pangarap namin sa office na magkaroon ng 50K every week. Dami na namin plano; mag-aalmusal kami lagi sa Manila Pavilion, lunch sa Hyatt, dinner sa Manila Hotel, tapos tuwing long weekend, bibiyahe kami. (Di ba, E?)

05: Kung luluha ka uli, ano o sino ang magiging dahilan nito?
Baka mamaya, last episode na ng Studio 60 on the Sunset Strip eh.

06: Sino ang taong nagpapasaya sayo ngayon?
Marami. (Showbiz!)

07: Bakit hindi sagot ang pagpapakamatay sa mga problemang dumarating sa ating buhay?
Dahil ang motto ko nga, “It will be better tomorrow.” Tsaka kasalanan yun talaga. Wag.

08: Kaya mo bang magpakamatay para sa pagibig?
Hindeeeeeee!!!! Paano ka pa makakaganti at magsasabi na, “O, nagsisisi ka ano?” kung magpapakamatay ka? No! Don’t!

09: Ano ang mga pangarap mo sa buhay?
Maibili ng bahay si mother goose bago ako mag-asawa. Tumira sa New York ng tatlong taon. Tumira sa Russia ng dalawang taon. Malibot ang buong mundo. Magkaroon ng maraming pera. Magkaroon ng time para basahin ang lahat ng libro ko. Huwag matanggal sa trabaho. Maging masayang wife at fulfilled na mommy (syempre it supercedes Huwag mamatay na virgin pa.)

10: Kung may tao kang gustong patayin, sino ito?
Yung mga taong nang-re-rape tapos brutally pa papatayin yung biktima, pati yung naghoholdap tapos brutally pa din papatayin yung hinoldap. Itatali ko yung tig-isang paa nila sa dalawang kabayo tapos magpapaputok ako para tumakbo yung kabayo in opposite directions. Um!

11: Bakit naman?
Hindi kasi dapat ganoon ang trabaho ng tao eh. Tsk. So ang gagawin ko sa kanila eh ganun na lang din.

12: Matapang ka ba?
Minsan.

13: Ano ang pinakamalaking kasalanang nagawa mo sa taon na ito?
Nag-isip ng masama sa kapwa. Lusted after someone na hindi dapat (hahaha). Nagdamot sa panahon (a, basta). At marami pang iba.

14: Madali ka bang magsawa?
Depende. Pero nagkakagusto ako ng hindi inaasahan…at hindi sa tao ha. Madalas sa TV show. Palapatol ako sa hype pero bihira lang naman dun ang nagugustuhan ko.

15: Ano ang masasabi mo sa mga taong martyr?
Tumigil ka. Mahal ang semento. At walang gagawa ng rebulto mo, nandun lahat sa Iraq, gumagawa ng embassy (oops!).

16: Seryoso ka bang tao?
Atin-atin lang, oo.

17: ‘Pag namatay ka ngayong oras na ito, marami kayang tao ang iiyak?
Oo naman. Sasabihin nila, “Sayang.” Naks.

18: Masakit ka bang magsalita pag galit ka?
Ay,oo. Aminado ako doon. Officemates ko alam yan. Gusto ko rin yun mabago kasi tlagang baka mademanda ako sa hinaharap. My anger management is very poor at since hindi ako physically violent, my words are my ammunition. As in, all my irreparable relationships are mostly because of the words I said. Itanong nyo pa dito sa kapitbahay namin. Sa galit nya sa sinabi kong dalawang salita lang, nagbanta sya noon na sasagasaan ako pag nakita ako sa kalye. Wala lang, ang sweet namin ano?

19: Pikon ka ba?
Hindi masyado. Actually, dense nga daw ako eh. Minsan lang talaga yung tiyempo na maling button ang na-press nung iba kaya nag-ii-snap ako agad.

20: Huling bilin?
Psst, nasa labas na tayo, naka-ID ka pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s