and it’s friday once more

(Posted in my multiply on July 20)

I rarely feel sad pag dumadating ang Friday. Most of the time, hindi na ako mapigilan kaka-imagine ng mga gagawin ko pag-alis ko sa opisina. Today, no bull, bitin na bitin ako sa oras. I didn’t finish tons of work and yung team enhancement na kadramahan namin ang dami pang loose ends. Ayokong isipin na minamahal ko na ang trabaho ko kasi hindi pa ako ready magmahal. Naks.

Although I had no choice but to get my ass out of there and head to a place where we could drink and unwind. I said na hindi ba, mas gusto ko na yung ganitong tipo ng labas. Mag-usap man na kung maririnig mo para kaming mga hindi babae, at least we’re talking about ourselves. We play the self-deprecation dice and masaya naman. Paminsan-minsan, nabo-bother lang ako doon sa naiwan ko na malamang maging problema sa susunod na linggo. Something to do with command responsibility. Basta, I don’t want to think of it as yet. Sa Lunes na lang. Sa Lunes na lang kami mag-giyera. Tama na rin ang decision ko to forego having my hair cut (by about 12 inches, sinukat ko na). Kasi if ever, baka para akong si Samson na manghihina pagdating ng Lunes. Next time na lang siguro.

Surprisingly din, tolerant na si Mother Goose sa mga lakad na ganito. Nag-text siya around 7 pm to ask nasaan na raw ako. Sabi ko kumakain (hindi ko sinasabing umiinom kasi ang alam pa rin niyang favorite drink ko ay Chuckie) kasama ang single friends. Aba nag-reply, Okay. Enjoy! Nagulat ako tapos kinabahan. Pero nung na-realize ko na hindi naman ako iniistalk ng Mother Goose, okay na.

I wish magtagal yung ganito. I haven’t moved from one workplace to another kaya wala akong point of comparison, pero nadidismaya ako kaagad sa walang katapusang intriga sa opisina. Masaya yung ganito, puro kami lang ang usapan. Puro personal. One time, I was asked bakit daw hindi pa ako maghanap at mang-career ng potential boyfriend. Tapos mag-asawa na. Hay, ang sagot ko lang, Naghahanap pa kayo ng damay sa mga problema nyo.

A related anecdote was when I called Mother Goose’s OB-GYN na tumingin na rin sa akin noon. I had contact with her clinic about four years ago. Aba, pagtawag ko kilala pa ako nung receptionist with matching name dropping pa of my auntie. Anyway, ang ending, nagpa-schedule ako ng appointment. Meron akong nararamdaman pero dahil nga matigas ang ulo ko, ngayon lang ako pupunta. Besides, nalipasan na rin ako nung Annual Physical Exam namin. Minsan mas masarap isipin na okay lang kahit hindi mo nagagamit yung health card mo kasi ibig sabihin hindi ka nangailangan ng medical attention. Pero minsan, sayang. So go na rin ako. Eh may nakarinig. Ano daw ang gagawin ko sa OB-GYN eh wala akong asawa. Kesa naman magpaka-boring ako at sumagot na, Bakit, may asawa lang ba ang puwedeng magpunta ng OB-GYN? hiniritan ko na lang sya ng, I’m getting ready to get pregnant. Ang tagal nung dead air, promise. Hindi ko na rin sinabing joke lang. Basta umalis na lang din ako.

Anyway, still-boring office ladies that we were, around 8 pm, we headed our separate ways. Four of them went ahead somewhere in Manila pa. Ako, as usual, naglakad mula UN hanggang Pedro Gil. Pero sa mall naman ako dumaan. And hindi naman ako ganoon ka-lasing, naloloka nga ako panay tanong nila kung okay lang ako. Please.

Ang napansin ko lang, I’m prone to useless spending when I’m not sober. Let’s just say marami-rami akong plastic at paper bags na dala pag-uwi na 1) hindi ko alam kung magagamit/mababasa ko in my lifetime (although I got a cool hot pink Teflon skillet) and 2) hindi ko alam kung makakain pa ba ako in the next 10 days kasi halos sumadsad yung budget ko. After the hangover, doon na lang ako magpaplano ulit ng buhay ko. Para rin naman magkasilbi yung mga pang-display ni Mother Goose na canned goods. Iluluto ko sila sa aking hot pink Teflon skillet para hindi na ako gagastos ng pananghalian. Anyway, moving on…

I’m off to bed early, and by early on a Friday night, it means hindi aabot ng 3 am kaka-youtube. I am going to attend a Singles Congress, upon the invitation of Ms. C who gave Laine and I tickets. Guest speakers would be Harold and Darlene Sala. It will start at 8:30 am, na wish ko lang on time ako dumating. I will leave no expectations kasi no matter how many of this kind you attend, ikaw pa rin naman ang magdedesisyon sa buhay mo. Ikaw pa rin ang masusunod sa kung anong iisipin mo. So para na lang makalabas ng bahay at hindi mag-buhay hot pink swine, and syempre magbigay ng space for enlightenment sa pagiging single, I will be there. For the whole day. Saka na lang ako didiretso sa Powerbooks Live! para tapusin na finally yung The Witch of Portobello. Last Sunday, hindi ko nabasa kasi I was intrigued by Marquis de Sade so yun ang binasa ko, much to the dismay of Mother Goose.

My throat is dry. Ah di bale, may hot pink Teflon skillet naman ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s