Cheers to quarterlife and nostalgia!

I forgot where I snagged this one, it’s been in my folder for a few weeks.

Kung 25 yrs old ka ngayon, o kaya older or younger nang konti, swak ‘to sa’yo.

I have to remind you though that this is one looooooong post. Napasarap ako mag-reminisce.

1. Kumakain ka ba ng aratilis?

Oo. Although ang earliest memory ko nito e yung mga puno sa bakanteng lote sa gilid ng Auntie Ede ko.

2. Nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?

Oo din. Pero noong mga Real, Quezon days ko pa. Pagkatapos ng gumamela bubbles, itutusok namin yung dahon ng punong langka sa tingting tapos tatakbo kami ng mabilis paibaba (rough road pa noon kaya extra challenge talaga). Ang gratification doon eh yung pagtakbo mo umiikot na mabilis na parang elisi yung dahon.

3. Pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?

Hindi ako kailangang pilitin, mahilig tlaga ako matulog. Kahit ngayon, nakakatulog ako ng bandang alas-dos sa opisina. Hahahaha.

4. Marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?

Patintero, hindi masyado. Pero the rest, oo naman. Kasali pa ang Pepsi…7-Up, Doctor Kwak Kwak, I Went To The Sea (at na-master ko pa ang actions noon), agawan-base, street-style football, chinese garter, 10-20, etc.

5. Malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?

Wala kami noon, poorita eh. Hahahaha. Pero honestly, hindi rin ako nanghingi sa ‘rents kasi mas gusto ko noon binibili ako ng libro o activity books. O di kaya song hits.

6. May mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?

Shet, yung U.S.E.D. ko na palda, terno kami lagi ng Mommy ko (pati ng hairstyle na parang may nanigas na mop sa ulo)! Ang bentang-benta sa akin noon yung colorful shirts na ang tatak eh Fruits, binebenta nung kapitbahay naming may puwesto sa palengke ng mga damit galing Hongkong. May konti akong Esprit, usually hand-me-downs from my niece who’s a bit older than me. Blowing Bubbles eh medyo malaki na ako kaya di ko na-feel. Pero meron ako nung ang tatak e Page…si Kuya Dick pa nga ang image model. Bench, oo naman, fan kaya ako ng Guwapings noon? Yuckkk!!! Pati statio, face towels (na naging alternative sa panyo), lapis, bag, sneakers, medyas, kailangan me tatak nung maliit na silyang yun. May Penshoppe at Giordano Classics phase din ako.

7. Na-uso yung lollipop na parang flute pati na rin ang Nerds, Wax Lips?

Hindi ko ito alam, hahaha. Ang lollipop lang na alam ko yung nabibili na tig-pi-piso. May Chupa Chups na ba noon? Ang hilig ko kasing candy noon eh tira tira, Benson, Flat Tops, Peter Ball, White Rabbit na kinakain yung puting pabalat, at Lipps.

8. Addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?

Nanonood lang ako pero di masyadong hard core fan. Pero ang Bioman, He-Man, She-Ra (yung Gray Skull nga noon, for the longest time, akala ko Gracekal), Shaider, Ewoks, Ghostbusters, Ultraman…hindi ko pinalampas yan.

9. Mayroon pang Tivoli at Coney Island ice cream (yung ice cream na nasa cone-shaped plastic cup at may libreng bubble gum sa ilalim?!)

Yes, yes, yes. At nung medyo malaki na ako, nauso yung Funwich. Yung parang malaking oreo na ang palaman eh ice cream! Yummy. Although carry ko na rin yung bun na nilalagyan ng dirty ice cream. Limang piso lang yun, solb na ako.

10. Marunong ka mag wordstar, Lotus 1-2-3, Windows 3.1, at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?

Naabutan ko ang malalaking lecheng diskettes na yan. At yung dati naming Computer teacher ang tawag nya sa prompt, “prime” kaya nung next year level, nagulat yung new Computer teacher dahil ang sabi namin sa kanya, “A prime” at “C prime”.

11. Inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna at inaabangan mo lagi beverly hills 90210, Melrose PLace at Baywatch?

Wala naman akong ganoong fantasies kina Kuya Bodgie at Ate Sienna. Ang pinakapatok sa akin noon sa Batibot ang kantang Tinapang Bangus.

Hindi ako masyadong na-hook sa Beverly Hills at Baywatch kasi nasa awkward stage ako noon eh. Pero yung Melrose Place, until the 3rd season, avid watcher ako. Sino ba naman ang hindi mae-endear kina Billy at Allison? Doon ko nga nakuha yung one of my favorite lines of all time na, “I never had that much luck trusting people.” Wala lang, ang taray di ba.

12. Gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo o kaya st michaels?

Hindi naman on a regular basis. Kapag lang may program sa school o recognition day at may honor ako. Wahoo.

13. Meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?

Wala akong shoulder pads, si Mommy meron. At meron din akong Mighty Kid na pula at puti. May jingle pa yan noon na nabanggit sina Billy the Kidder, etc. Meron pa ba nito ngayon?

14. Nangongolekta ka ng stationeries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?

Of course, of course. Tuwing magtatapos ang klase, mag-iinvest ka pa diyan kasi yun ang souvenir mo sa classmates mo na may statio collection din. Swap kayo ng isang set, meaning isang sheet at isang envelope, at kung may libreng sticker, kasama na rin yun. Pinaka-sikat noon ang Jeret kasi mabango sya tapos bukod sa regular sheet, may miniature version pa sya na kasama sa pack. Si Zashikibuta, marami din ako statio noon. Gosh, I wonder nasaang kahon na ang mga yun ngayon.

At slumbook, ah syempre. ‘Who is your crush?’ nga ang pinaka-aabangan diyan. At since ang mga respondents eh nagmamaganda at puro baligtad na initials o di kaya’y codename ang binibigay na sagot, that early in our lives makikitaan na kami ng amazing decoding abilities na naging inspiration ni Dan Brown sa pagsulat ng The Da Vinci Code.

15. Sumisipsip ka ng nectar ng santan.

Hindi ko maalala.

16. Idol mo si McGyver.

Of course! Sabado ba ito, 7 pm sa Channel 9? Sino ba naman ang hindi mapapahanga sa taong ilang segundo na lang akalain mong makakawala pa sa pagkakatali doon sa loob ng container van na punong puno ng explosives? At makakatalon sya sa dagat sa eksaktong pagpatak sa 0:00 ng bomba?

18. Eto malupet six digits lang ba ang phone number nyo dati?!

Late na kami nagka-telepono eh. Nakikitawag lang kami sa auntie ko.

19. Cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga

Oo, idol ko yan dati. Kahit nung pumasok na si Lady Lee. Naipanalo ko (hahaha, e pano nasa unahan ako ng linya!) ang isang Field Dance Contest, Division Level, dahil sa trademark step namin yung “bibe dance” si Aiza. Grade 2 ako noon.

20. Inabutan mo ang Magnolia Chocolait na nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?

Of course! Tapos pag ubos na yung chocolait, luluglugang mabuti yung bote at voila, yun na rin ang lalagyan nyo ng tubig.

21. Meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?

Meron pero hindi ko pinagyabang, mas magaganda yung kanila eh, hahaha. Ang kauna-unahan kong pencil case na ganyan e regalo ni “Santa Claus”. Tapos nung nagpasukan nung January, pinaglalagyan ko ng pangalan ko, ng friends ko, yung mga pirmang eklat, ayun, nabuking ko si Mommy dahil pinagalitan ako dahil bakit ko raw ginaganon yung gamit ko ang mahal ng bili nya dun. Ayos.

* * *

If I may add, nasa generation din ako ng heyday ng VHS tapes, not so much sa betamax. Ang favorite video shop namin noon eh Krumms na nasa bukana ng Angel Village. Bago pa maglaban ang ACA at Video City, ang Krumms, sikat na sa pamilya namin.

About 8 years before that time, we lived in a substation of Napocor kasi doon naka-destino ang Daddy ko. Never kaming nakaranas ng power interruption kasi nga ang tirahan ko eh yung nagcocontrol sa power supply ng buong San Rafael, Bulacan. Bwahahaha. For five years, isang malaking playground sa akin ang malawak na substation, at bahagi ng obstacle courses ko ang mga posteng itatayo pa lang o yung mala-higanteng power feeders na may milyon-milyong boltahe lang naman. At a very tender age, natuto akong manghuli ng panggabing insekto na susuong, na masarap i-adobo. Madalas din mag-away ang ‘rents noon dahil ang Daddy ko ay walang patumangga akong pakainin ng adobong aso, kinilaw na kambing, ginataang bayawak, kalderetang sawa, at iba pa. Kaya daw siguro malakas ang resistensya ko kasi kung anu-anong ka-exotican ang napunta sa sikmura ko noon.

This was the same time when a trip to SM North EDSA was something to look forward to. Ang mahabang biyahe sa Baliuag Transit ay source of happiness ko din noon. At bukod sa SM, ang food court ng Grand Central sa Monumento ang paborito kong tambayan noon. Kapag hindi masyadong afford mag-Maynila, pagkasimba sa cathedral sa Baliuag, kakain lang kami sa Lin-Mer’s. Ewan ko kung bukas pa sila ngayon, pero sila ang natikman kong pinakamasarap na chicken mami ever. Hindi ko yun nakalimutan.

Hindi ko rin nakalimutan ang araw-araw na dating ng Inquirer sa bahay at nang Liwayway tuwing Miyerkules. Pag late yung newspaper boy, sinasabay na lang namin itong kunin sa palengke, sa puwesto ni Aling Charing, ang napaka-bungangerang tindera ng baboy at manok sa palengke ng Krus na Daan, sya din kasi ang may-ari ng katabing newspaper at magazine stand.

I don’t wish to get started with my public school days kasi mahaba tlaga yun. And amazingly, I feel really good remembering those moments. Basta let’s just say, doon pa lang nag-umpisa na magmanifest ang pagiging ma-epal kong bata. Tipong grade 3 pa lang, ako ang nagpi-prisintang mag-lead ng Panatang Makabayan in front of the entire school, and there was a pledge of allegiance na pauso ni Tita Cory noon na ako din ang nagmagandang mag-lead kasi nagtago yung isang grade six. Hindi ko rin alam noon kung saan ko nakuha ang kapal muks factor na yon pero proud ako noon kasi narinig ko sabi ng principal, eksaktong eksakto raw yung putol ko ng mga salita..at very comprehensible ang mga sinasabi ko. Sa totoo lang, wala naman nagturo noon sa akin, no bull. Tipong pinakabisado lang yun sa amin kasi bibisita raw noon si then-Governor Obet Pagdanganan na ewan ko ba kung natuloy. Kumbaga, alam ko na noon pa lang na ganun putulin ang mga sentences para masundan ng mga alipores, este, fellow students mo. Hay, naalala ko pa yung laban ko naman ng pagtula, ayun, natapilok lang naman ako sa gitna ng stage. Hahaha! 4th place ako nun pero kasi grade 6 lahat ng nanalo. Aherm, aherm. Division level pa yon. Sige, yabang pa. Hahahaha!!!

Mind you, kabisado ko rin noon ang lahat ng station ng LRT 1. Dangan kasi, sa Monumento or 5th Avenue kami nasakay noon hanggang Baclaran para umuwi naman sa Cavite.

Pero yung buhay ko sa Cavite, saka na lang.

Grabe, this is very therapeutic after working for 12 hours.

One thought on “Cheers to quarterlife and nostalgia!

  1. This post brings me into nostalgic mood about things that we have enjoyed before. I would love dig into my treasure chest of memories tuloy about my childhood. Hope to hear stories in Cavite ha. =)

    See yah dear!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s