Monday

I’m off to a bad start. I don’t know if this is because I do not know how to manage my time and priorities well, or talagang nakakatamad ang panahon na ito. Parang lagi ako magkakasakit. Ang problema, hindi naman pwedeng magpahinga ng matagal kasi may trabaho, at may pasok pa sa school.  Buti nga sana kung pumapasok lang, ang siste, andaming dapat basahin at dapat gawin. Sayang naman kung ido-drop ko…eh hindi ko naman ma-a-avoid yung 2 subjects na yun in the future. Tsk. Less than 100 hours na lang ayung simula nung mga deadlines ng kung anu-ano sa 2 subjects na yun but I have not made anything concrete. Yes, very reminiscent of my first semester days. I think there are things na hindi na magbabago.

*     *     *

Most of my officemates know that I should not place orders for food deliveries dito sa office. More often than not, napapaaway ako talaga. Ironically, pag nasa house ako, everything has always been smoothsailing, to think na hindi ganun kadali hanapin ang house namin. Pero pag dito sa office, ang daming dahilan kaya palpak. Yung iba, usually dapat ginagamitan lang ng sintido kumon. Tsk.

That said, walang kuwenta ang delivery service ng McDo. Walang kuwenta. Hindi lang unang beses ito, maka-ilang beses na that they did not arrive on time. Lagi nga kami 10:45 am nagpe-place ng orders kasi some of our colleagues have their breaks at 11:30 am. Yung ilang beses na dumating ng maaga, mali-mali naman yung order. Mali siguro na hindi magreklamo sa mga nagkapatong-patong na na mistakes dahil lang sa wala kaming panahon. Ang ayoko lang sa lahat eh yung parang utang na loob pa namin na nagpadeliver kami, just because nagugutom kami. At yung bibigyan ka ng napaka-lame na excuse? Come on. Punyeta. Yung 1.5 hours na waiting period, na dadalhin sa US Embassy na galing lang sa UN Avenue yung orders, parang, ewan, ang labo. Ang problema sa mga ganyan, ang napapasubo yung call center agents at yung mga rider. I once had an incident with a rider sa Greenwich and he and his manager got an earful. Ganun pa naman ako, yung rage ko minsan hindi commensurate sa level ng offense, lagi akong over. Ako kasi gusto ko yung isang malaking slash sa self-esteem mo. Gah, pasensya na, mainitin talaga ang ulo ko. Basta today, I felt bad for Kats.

Hay, McDo, never again. No offense sa nagmamahal sa McDo, pero minsan, kesehodang 150 lang o 1000 ang amount ng order sa inyo, pare-pareho lang yan. Nagagawa ng iba, efficiently, walang dahilan para kayo hindi nyo magawa.

*     *     *

Congrats sa mga nag-pass sa ACET!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s