ang mag-aral sa peyups, ang bumyahe sa QC

tigilan na muna ang pretentious english na yan.

sinabi ko seseryosohin ko na with all my heart and guts and innards ang subjects ko this semester, lalo pa at mismong prof na ang nagbanta na hindi sila magiging madali.

so wala namang naitulong ang pride ko di ba, na maghanap nung mga libro sa syllabi ni ma’am— either wala namang stock na sa kahit saang bookstore, kahit na nga sa recto, ang mamahal pa sa amazon. ang purpose ko lang naman eh bumawi sa pagiging violator ng intellectual property rights, na sinimulan ko pa nung nag-college ako sa UP. ngayon, para naman akong timang kung bibili ako ng libro dahil swerte lang na na-afford ko na. bukod sa multi-referenced, kami, wala lang, parang nagmamatalino ka lang, eh ang mas importante naman eh kung pumasok ba sa utak yung laman— kesehodang photocopy lang o mismong libro ang hawak mo.

anyway, ano ang point nito? well, isa na namang dugyot trip ang ginawa ko, kung saan nanlilimahid ako bago pa man nakauwi ng bahay. bale ba naman, dahil lunes ngayon, kulang na lang magdala ako ng aso para na akong si elle woods sa legally blonde dahil sa pagka-pink ng getup ko. loko nila, baka naghahanda raw ako makita si S. eh hindi nga eh. dumaan daw sa office, nasa kalagitnaan naman kami ng meeting. okray na meeting tlaga yan.

anyhoo, H was gracious enough para i-drop off ako all the way to philcoa (at pinilit ko tlaga syang umalis sa office ng 4:30 empunto— supportive naman sya, haha!). based sa instructions ng tatlong tao na pinagtanungan ko nung isang linggo pa, sasakay ka lang ng tricycle na pula sa tapat ng greenwich at sasabihin mo lang na ibaba ka sa 40-E Maalalahanin Street, at maghanda ng 15 pesos. Okay pa nung una kasi paglabas ng office, naghubad na ako ng blazer dahil kung hindi, magsasahod ako ng cholesterol ko sa kalye di ba? so expose-expose na ng malulusog kong biceps na pwedeng pwedeng mag-knock out ulit kay morales.

sa totoo lang, proud naman ako na maputi ako, kaya lang hindi sya makatarungang i-expose kung para kang sumasalubong sa explosion ng cake foundation courtesy of all the alikabok and what have you ng mga sasakyan sa QC. masalimuot yun. ang balat ko pa naman feeling ko parang yung kabaligtaran ng scotch tape— ang daling kapitan ng dumi. ang siste pa, wala akong ponytail so yung parang raw (hilaw) gulaman ko na buhok, ayun, para akong may extended halloween costume dahil literal syang buhok ng bruha. feeling ko nga ang bigat nya dahil kumapit ang lahat ng alikabok na hindi na nasalo pa ng mukha ko.

pero maayos naman akong nakarating sa destination ko na isa palang townhouse pero in truth, opisina sya ng ISDS (institute for strategic and development studies). OT si “allan” dahil may conference daw silang inoorganize sa december. oh well. since busy siya, hinanda lang nya yung info materials na kailangan ko, down to the computation of the photocopies. ang catch, AKO ang magpho-photocopy. okay sana kung tulad nung sa office ang copier. ang siste, yung parang kay X-MAN pa (isang alamat sa UP Manila). pero nakaraos naman. at makalipas nga ang halos 2 hours, nakapag-photocopy ako ng 3 parts (enough to cover about 3 meetings—only), from almost a dozen references, sa halagang P255.75. hindi na masama. kapag kasubuan na, lalo na yung tipong bukas na yung recitation, kiber na sa intellectual property rights ek na yan. properly recognized naman silang lahat as references.

ang part 2 nung pagsalubong ko sa alikabok eh mas evident nung pag-uwi. sa jeep papauntang MRT—imagine, kung ilang kilo ng dumi ang nasagap ko sa pagbaybay sa elliptical road. pati yung jeep na guadalupe bukid—though ang nasa isip ko na lang non, i will be home soon!

sobrang nakakapagod ha. ang hirap mag-aral. sakripisyo tlaga. ang hirap din ng walang sasakyan— ang daddy ko tumigil na kakapilit kung kelan ako magdadala ng sasakyan. basta ayoko pa rin. minsan iniimagine ko pag nasa passenger seat ako na ako ang nagmamaneho pero madalas sa hindi alam kong hindi kakayanin ng powers ko ang mga pagma-ma-maneuver ng manibela. mahina ang pulso ko at inaamin ko din nman ang reflexes ko eh wala ring kuwenta. so scrap it. dapat mag-asawa na lang ako ng mayaman magsikap ako magtrabaho para yumaman at makaafford ng sarili kong “dante” o vicente”. šŸ™‚

sa ngayon, halos hatinggabi, kailangan pa magbasa. hindi pa rin naman ako pwedeng matulog kasi naligo ako— sabi ng nanay ko, bawal daw matulog na basa ang buhok kasi nakakabaliw. diosmio, hindi pa kaya nya narerealize na kahit hindi ako matulog na basa ang buhok eh may pagka-lukring na rin ako? hahaha!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s