still alive, baby?

Thank God, I still am. Medyo OA lang pero it’s terrible, what a lot of us were going through the past two days. I feel so bad for all those gravely affected by the super typhoon last Thursday; kahit hours before it struck eh talagang puspusan na ang information drive, we can never really prepare for the devastation. As for moi, habang humahagupit yung malakas na hangin, ayun, natulog na lang ako :). Promise, paggising ko, tapos na ang lahat. May ulan pa pero tahimik na ang paligid.

Maybe I failed to put the past two days into good use. Eh kasi wala namang kuryente. Darn, it’s like being back in the olden times. I did study a bit pero hindi pa rin maximized yung time. Para nga akong si Nora Aunor dun sa “Bilangin Ang Bituin Sa Langit”, nung nag-aaral sya na kandila lang ang gamit (tapos “binili” nung parents ni Pip yung medal kaya naging salutatorian lang sya kahit ang tataas ng grades nya— “Bayad na yan” and so the line went, sabay bato kay Pip nung medal sa terrace. Naks. Hahahaha!!!)

Anyway, I’m here in Robinson’s at nasa isang internet cafe ako. My Thursday professor who broke the sad news that he decided we should have a final exam on the 5th sent two more articles to review dahil feel lang nyang isama sa exam. Ang hahaba nung articles! Sana magkakuryente na naman at ng maiprint na ito. (Mahal dito!) My paper for my Friday class, ayun, wala pa rin akong topic. Bravo! Kung magiging convenient alibi ko ang nagdaang weather condition, hindi ko pa alam kung papano. 😦

***

My friends’ wedding didn’t push through today pero tinuloy na rin nila nung Thursday night to keep the date. Sumugod lang naman sila sa tirahan ni Reverend para lang ituloy. By the 7th pa yung pictorial chenes para sa wedding album daw. At least, yung mga araw na walang pasok, pwede na silang mag-honeymoon. Nuxx. 🙂 Congrats!

***

Sa kadiliman ng bahay namin, I still can’t help but think of S dahil sa ikinabigla ko ring “Hi” na yun nung Wednesday. See, kahit si J naloka dahil para nga umiwas na lang sa isyu na yan na may gusto raw ako eh hindi ko na nga pinapansin, pero he greeted me first. Nyaha. Pero wag na, sabi nga ng boss ko, find someone really worth my salt. Makakamiss lang kasi I know he’ll be on R&R starting Monday, which could mean he left the country na as early as today. See you in three weeks, Ogie (or Robert! Whatever!). For sure meron naman isa dito sa Pilipinas ang nag-pledge na ng ilang bahagi ng sweldo nya para mag-overseas call sa kanya at magtext ng ‘I miss you already.’ Dito na lang ako sa sidelines. Naks, drama! (Sa Vallejo yata sya pupunta, Lai, bisitahin kaya kita jan? Hahahaha!!!)

***

Sabi ng nanay ko, mga tatlong araw pa na ganito, masasanay na kami ng walang kuryente. Take note, mag-tu-two days na akong walang cellphone. Eto buhay pa naman. Medyo sanay na ring puro kandila sa bahay, para kaming magpapa-aromatherapy spa tuwing gabi! 🙂

***

Over lunch dito sa Sbarro, I bumped into Jacs, who’s in a bowling tourney with his churchmates (and is killing the team with his 66-point average). We updated ourselves with the latest, and while looking into space, he just blurted that he wants to take the foreign service exam in DFA, “to escape Korina Sanchez”. Then what followed was a very very very funny re-enactment of all his conversations with Korina over cropping pictures, complete sentences and punctuation marks, all at 2 a.m. Namiss ko tlaga si Jacs! 🙂 

3 thoughts on “still alive, baby?

  1. Bambinaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!! Miss na miss na rin kita! Shucks, matatapos na sem, di pa kita nameet sa iyong “balwarte”. Hindi ko pa nga kaya alam kung asan ang Chocolate Kiss, hahaha(loser!)!

    Text kita when I’m there ng bandang gabi na, baka wala ka na sa opis, ha!

  2. Buti pa kayo ni jacs, nagkita. Waah. Miss na kita. Miss ko na kayo. =( Grabe, Jacs and Korina???? Match-made in heaven ito.. harharhar.. I can just imagine.. feeling ko mas naiirita si jacs.. hahaha =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s