Waaahhhh

Nahihilo ako. At hindi ito dahil lang malapit na dumating si Little Red Riding Hood. Ewan ko ba, to think, normal pa naman ang tulog ko, mga 6-7 hours pa din. Oo mga ganon, lagi nga ako late dumating sa office eh. Pero hindi naman yung ka-termi-terminate na late, yung tipong 10-15 minutes lang past the official start time. Eh pwede pa yun kasi kahit naman ganun ako dumating, halos sabay pa rin kami mag-start mag-trabaho kasi yung iba nagbe-breakfast pa, medyo isang libong taon pa sa ladies’ room, ganun.

The next two weeks will be more hectic and hellish for me, just when I accepted that it will only be plain hectic and hellish. Dala lang ng pagkakataon, and lahat naman may dahilan. My boss got into a medical procedure but thank God, she’s doing okay now. She’s recuperating and is expected to go back to the office in two weeks at least, though sabi ng iba dito, magqu-qualify daw yun na maternity leave.

Anyway, it would mean I have to take charge, and since kahapon, doon ko narealize ulit na okay pala talaga yung second in command ka lang. Talagang mas maluwag at mas iba ang responsibilidad. Ngayon, ang hirap, dahil lang sa parang kulang ang 8 hours sa dami ng ginagawa, at kahit nga mismo yung pagde-delegate ng trabaho, mahirap. Ayoko pa naman yung ginagamit ang sense of judgment. Active member but a poor leader, tama ba yon?

Tapos tinatamad na ako mag-aral. Ayan na. Siguro dahil nga mas priority ko ang trabaho, and I was made to promise na pag nagkasabay ang tawag ng trabaho at pag-aaral, trabaho ang pipiliin ko wala nang tanong-tanong. Malapit na submission nung mga papers, mga chuvalu na report, pero wala pa ako nauumpisahang maayos. Ayun, paresearch-research, ipon-ipon ng info, pero ayun print-out lahat hanggang ngayon.  Eh tinatamad na ako tlaga. Kaso ang pangit tingnan sa hinaharap kung ngayon pa ako aalis di ba. Ang tanga nun.

Well, eto nga ang staff ko nagkukuwentuhan lang. Hindi ko naman sila sinasaway. Ano naman kasi sasabihin ko, “Hoy, magtrabaho kayo at magbo-blog ako.” Pangit naman di ba? Feeling ko naman, totoo yung sinabi namin sa MBTI thingie na we work best when under pressure. Sabi nga prolific daw kami. Tapos tandang-tanda ko, pagkasabi nun sa amin nung foreigner naming boss nagkasakit siya kinabukasan. Hahahaha!

Pag tumitingin ako sa kaliwa ko, kinabit ko ulit yung picture ni SG. Ilang beses ko na yan tinanggal at binalik. Ngayon, kinabit ko kahit yesterday eh nagseselos ako talaga. Pero pinalipas ko na nga lang. Eh kasi kung talagang iba na namamagitan sa kanila, wala naman tayong magagawa. Ayoko lang yung parang naiilang pa sa akin. Sabagay naiintindihan ko rin. Kung ako nasa ganung lugar, yung kaibigan mo eh dati mega chika pa kayo and sabi nya, “Sige pag medyo close na kami, itatanong ko kung ano ba mga gusto nya.” Eh lumipas ang panahon at halos araw araw na sila magkasama, hanggang sa tuwing nagkikita kayo, hindi nyo na pinag-uusapan, na yun nga para na rin syang naging elephant in the room. Isip ko naman, hindi ko na rin kasi sinubukang tanungin. One of these days, pag nagkita kami, baka tanungin ko na lang sya ng “O, kumusta naman kayo ni SG?” Pag sumagot ng, “Eto, going strong.” eh di yun na. Atsaka minsan, iniisip ko pa rin na bumalik sa akin yung taong yun at sabihin na, “Sana nagtanong ka na lang sa akin, sabi ko naman nung una na wala tlaga eh.” O di ba.

Hay. More than that, at talaga naman paminsan-minsan ko lang maisip sina SG, eh yung concern ko sa pera ko para bukas. Hahaha. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at halos maubos na sya sa Powerbooks at A Different Bookstore. Yan ang itch na kahit ang Mommy ko eh papaboran naman. So paano, magkita-kita na lang tayo bukas sa book fair!

P.S. Ang topic ngayon habang nagtatype ako…mga sexual escapades nung college. Wala naman ako maishe-share dyan na ganun mismo. Promise. Okay pa naman ako, hahaha. Pero syempre, tipong pwede ka naman na maraming alam sa rocket science kahit hindi ka pa nakakasakay sa rocketship mismo di ba? Hmmm. Or at best, nakasubok ka sa dummy rocketships pero yung actual, hindi pa. At matagal na matagal pa bago ka makasakay tlaga dun, lalo na at this rate. Hay. At bigla ko tuloy naalala yung dorm sa likod ng St. Scho at yung mga sulok-sulok sa GAB. Hahaha, imoral. Sabi nga nila, yung mga kuwentong yun ang kahit ikamatay ko hinding hindi ko sasabihin sa nanay ko. Charing.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s