midweek crisis

eto na naman ako, wala sa mood magtrabaho. weeh, what’s new navy blue, lagi naman ako ganito. ewan ko nga tlaga hanggang ngayon kung bakit eh.

kagabi nag-commence na ang bowling tournament namin. kasama ako ulit, at dakilang cheerer at photographer lang ako. sabi nga nag-“lamiyerda” lang kami nung duration ng 3-set game. that’s what you get pag feeling mo nasa kanal sa gilid ng alley ang mga pins at wala sa dulo. ang uniform din namin ang daming may ayaw. ewan ko ba kasi sino ang nag-suggest na maroon ang color ng team namin eh. dumating yung mga shirts hindi naman maroon tlaga na parang sa UP… kulay bagoong! tapos joke nga nila lagyan mo lang ng gold cord, mukha na kaming nazareno (tabi-tabi po…). nagpakita lang kami sa simula ng bawat game, tapos lumabas kami, kumain ng nachos, pinanood ng ilang beses ang trailer ng The Great Raid, ogled women and men alike, bumili ng flash cards at stapler, pati ng lock sa pinto hanggang sa natapos na ang game 1. para pa kaming naka-break na factory workers kasi pare-pareho kami ng shirt at ang pinakatodo eh pareho kami ng uniform ng mga nagtatarabaho sa Ace Hardware kung saan ni E binili yung lock.

at grabe napansin ko nung nakasubok ako ng halos one week na nagwo-workout eh lalo ata akong tumaba. ewan ko ba, ang hina kasi ng resistance ko sa tulog at pagkain eh. nag-yoga na ako (nahaw bend, touch your right bett, and down…) , nag-dance aero (“dayagonal puuuussss”…”leeseeeeeen”… dowbol squaaaat…”), at katakot-takot na statio bike at treadmill na kung tunay na nilakad at pinedal ko eh nasa hungary na siguro ako ngayon. bukas, sasama naman ako mag-boxing sa makati. tapos yung bowling nga na isang metro na yung difference sa sukat ng kaliwa at kanang braso ko eh hindi pa din ako makatira ng maayos. take note ha, sa pagod eh hindi na rin ako halos makakain. aba’t akalain nyong ngayon ko pa nararamdaman na i’m at my heaviest best. bad treeep, psychological stress ata talaga ito.

pero nabuhay ang dugo ko sa mga quotable quotes na ito:

(may lunch date kasi sina Eiselle and company kay Rayan sa senate, well kasama din ako, kaya humirit si Kats ng…) 

“kailangang mahimas ni mar roxas ang tummy ko para tumalino naman ang anak ko!”

(umappear ang isang barong-clad na lalaki sa bowling game kagabi, nagpa-impress ata sa bossing namin…) 

wow, ikaw ba ang may pinakamalaking highest score?

eto mga tanong tanong na lang:

1. Latest CD: yung bili talaga? album pa ni Josh Groban, yung dati pa

2. Have you ever faked a phone conversation?: nung bata pa ako. kasi para hindi ako mapahiya na di ko nakausap yung kaklase kong si joanna. tinanong ako ng uncle ko kung nakausap ko na daw, sabi ko oo at uuwi na ako. natawa yung uncle ko kasi hawak nya yung kabilang dulo ng cord ng telepono. mga grade 3 ako nyan. hahahahaha….

3. Best-designed website?: medyo crowded sya pero okay sa akin yung kay Hanagirl

4. Left hand or Right hand?: left

5. Latest Song Craze: just the girl ng click five, hehehe

6. LaSt Song Syndrome: every now and then ng earth, wind and fire

7. Favorite Song: can’t let go ni michael macdonald/david pack

8. Do You Pluck your eyebrows?: nah, virgin forest ang eyebrows ko

9. What’s your favorite candy/junk food?: lala fish crackers, ruffles with ridges

10.Favorite TV show?: reruns ng friends!

11.Chore You Hate?: cooking and pressing

12.Favorite Actor?: harrison ford

13. Instrument you play?: i’m a dweeb, remember?

14. Phobias?: fire, earthquake, death, being loved by someone tapos ayaw na pala nya bigla

15. Vegetables you hate to Eat?: okra, eggplant (vegetable ba ito?)

16. Quote you like?: “wag kang magmaganda kung kamukha naman kita”– got that from one of kampanerang kuba’s two sisters nung nasa game ka na ba sila 🙂

17. How much money is in your wallet?: P450 🙂

18. What’s your Mood?: lazy

19. Question you want to ask?: “do you like me?”

20. Where do you want to go for a vacation?: phuket…now!

21. What did you do last night?: sleep?

22. Favorite Perfume?: pink by victoria secret // tropical punch by escada

23. Which superhero are you?: i don’t wanna be a superhero

24. What is so gay? no comment

25. Second Question you want to ask?: “can i take a loooong break?”

26. Subject you hated in High School?: none. i loved them but some of them didn’t love me back

27. What is the most disgusting thing you ever had to do?: yay, everytime i had to use the restroom na madumi, usually sa mga malls, pwera sa greenbelt at gateway

28. What have you lost that you most like to retrieve?: my passion for life

29. Can you twist your tounge upside down?: yes!

30. Third Question you want to ask?: “will you give me a baby?” bwahahahaha!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s