judith, stand up

yes, ma’am.

nakakita po kami ng bagong lunch site dito sa loob ng compound. bumabalik ang alaala sa akin ng aking kabataan noon sa nayong pilipino. alam po naming may mga nakabantay na US marines kahit mukhang park yun kaya in our best behavior kami. nagkukuwentuhan na lang po kami ng nakakatakot hanggang mag-ala una.

kapag po “eat-all-you-can”, hindi na po dapat tinatanong kung large servings di ba?

kasing vital na po ng cellphone dito sa opisina ang photocopier. kapag sira siya, hay, malungkot ang buhay.

minsan mahirap pala magkaroon ng officemate na buntis. kahit palatawa sya, may mga bagay na nakakapagpastress sa kanya na gusto mo na lang gawan na paraan kasi concerned ka sa baby. halimbawa pag bigla syang nainis kasi hindi na nya makita yung orasan kasi natakpan yung view nya ng mga kahon ng importanteng dokumento. hay.

tumaas po ang blood pressure ko dahil walang pakundangan akong kumain (at hind nagbigay) ng lechon paksiw kahapon. narealize ko po na masama pala yun lalo na pag nahihilo ka na sa hapon. tsk.

pagkatapos ng meeting, itatago mo yung notepad mo kasi nakakahiya pag may nakakita ng, halimbawa:

– proofread letters thoroughly
(i wanna go home)
– set regular staff meetings to every first wednesday on the month
– no speculations on details about (insert office jargon here)
(she’s so old, she badly needs botox)

makinig ng maigi. halimbawa pag nasa ukay-ukay ka, tinanong mo yung saleslady, “magkano mga damit sa side na ‘to?” sasagot sya, “depende po.” tapos bigla ka sumagot, “ah, seventy. mura ha.” naku, kakahiya.

eto pa. kahit gaano kaganda yung enzo angiolini na loafers, kahit halos nagdodrool na ako, hindi ko kayang bilhin pag nalaman kong patay na yung may-ari nun. ewan ko ba. weird ba? namatay na daw kasi. ngii. pagdadasal ko na lang sya.

nanood ako ng la visa loca kasama ang ibang officers namin. kahit taga-translate ako okay lang. kawawa na nga sila, akalain nyo, halos kalahati ng pelikula hindi nila naintindihan. saka ko na lang ikukuwento. pero hats off ako dun sa tanod ng nazareno. riot.

lastly, sisterhood of the traveling pants opened in the US today. i’m not expecting that it will be a smash hit ala-star wars but i hope it does well in the tills. i hope it will be shown here in manila soon. and desperate housewives tonight, 9:10 p.m. on studio 23, i hope i won’t forget!

at sa mga dense dyan (taas ang kamay)…

Well im already down
Just wait a minute
Just sitting waiting
Just wait a minute
Just sitting waiting
Well if I was in your position
Id put down all my ammunition
I’d wondered why’d it taken me so long
But Lord knows that I’m not you
And If I was I wouldn’t be so cruel
Cause waiting on love ain’t so easy to do
Must I always be waiting waiting on you?
Must I always be playing playing the fool?
No I cant always be waiting waiting on you
I cant always be playing playing your fool
– Sitting, Waiting, Wishing, Jack Johnson

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s